Sila ang nakakapag-sold-out ng tickets sa concert at ng album.Sila ang active at palaging updated sa lahat ng nangyayari may mga sari-sariling grupo pa sila.Sila rin ang taga-cheer at tagasuporta.At sila rin ang nakikipag-away kapag may namba-bash,at minsan pa nga nagiging asawa na natin sila.Siguro alam na natin yan...sila ang mga FANGIRLS.Bakit nga ba natin iniidolo sila siguro dahil may nakita tayong katangian nila tulad ng gwapo/maganda,mabait,hindi snobber,maganda magsuot etc. Masaya makita na successful ang mga iniidolo natin pero hindi nila makakamit yun kung hindi dahil sa atin..Alam ko ang pakiramdam ng pagiging fangirl.
Tuwing may mga show siya inaabangan ko palagi siya sa TV.Tuwing birthday niya binabati ko siya.May mga posters niya ako,Sumasali rin ako sa mga groups at gumagawa ako ng Fanpage,may mga damit na nakatatak ang mukha niya rin ako at stalk ako ng stalk sa lahat ng social media account niya.Sabi nga ng mga kaibigan ko addict na addict ako sakanya.Nakakainis nga hindi ako nakakapunta sa concert niya kaya team bahay ako pero kahit ganun thankful ako kasi palaging sold-out concert niya at napaka-succesful niya.Pero bakit ganun noh kahit hindi ko pa siya name-meet in person parang feeling ko sobrang close ko sakanya.Ganun siguro talaga kapag Fangirl ka..
Para sakin kaya ako naging Fangirl kasi nakita ko sakanila ang pagiging brave at nagthank you sila sa atin kahit papaano..Kaya nasabi ko na brave sila kasi kahit may mambash sa kanila pinapabayaan lang nila yun,nilulunok lang nila ang sinasabi ng iba tungkol sa kanila.Kapag umiiyak sila,napapaiyak rin tayo kasi nga ayaw natin sila masaktan.Kaya siguro natuto kaming lumaban tayo mga Fangirls kasi nasasaktan rin tayo kapag may sinasabing masama ang iba sa mga iniidolo natin.Kasi tao rin yan diba nasasaktan,Kaya alam ko na kung ano talaga ang tungkulin nang pagiging isang fangirl.Tungkulin natin ang ipagtanggol at suportahan sila.
Sana wag tayo magsawang suportahan ang mga iniidolo natin kasi sa ngayon tayo lang ang magpapalakas ng loob nila!

ONCE A FANGIRL,ALWAYS A FANGIRL...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento