Huwebes, Abril 21, 2016

ALDUB Fever

                               Trending palagi sa Twitter..Buong Pilipinas at hindi lang pala Pilipinas Worldwide pa!Ito ang Aldub na binubuo ni Alden Richards at Maine Mendoza.Accidental lang ang pagkabuo ng loveteam nila.Parehas silang hindi na-orient sa mga nangyayari ngayon sa kanila.


                              At isa ako sa Aldub Nation.Tuwing tanghali inaabangan ko ang Kalyeserye.Sobrang nakakakilig talaga sila lalo na nung mga panahon na pinaghihigpitan sila ni Lola Nidora (Wally Bayola) andyan yung eksenang may bumagsak na plywood at yung long table na sinisi pa ng buong Aldub Nation.Pero ngayon nagkikita na sila at ang masaya dun gagawa sila ng movie na sila ang bida.Bilang fan super excited ako dun.


                                Kung hindi niyo naitatanong nangongolekta ako ng mga poster at mga iba't-ibang damit.Proud to be an Aldub fan talaga ang peg.Kasi iba talaga ng dating sa akin ng Aldub.Totoo lang talaga sila kung ano ang nakikita ko sa TV ganun rin kapag off-cam.Andun yung katangian nila na sa lahat ng tagumpay na nakakamit nila kahit papaano nagpapasalamat sila sa amin...sa aming mga Aldub Nation.
                               Well,naramdaman ko pa yung pagiging Aldub Fan ko yung nagkaisa ang buong Aldub Nation nung Tamang Panahon Concert.Mapa-team bahay,mapa-team-replay at team office nakatutok sakanilang dalawa..

Alden at Maine salamat sa pagpapakilig niyo sa amin :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento