Huwebes, Abril 21, 2016

ALDUB Fever

                               Trending palagi sa Twitter..Buong Pilipinas at hindi lang pala Pilipinas Worldwide pa!Ito ang Aldub na binubuo ni Alden Richards at Maine Mendoza.Accidental lang ang pagkabuo ng loveteam nila.Parehas silang hindi na-orient sa mga nangyayari ngayon sa kanila.


                              At isa ako sa Aldub Nation.Tuwing tanghali inaabangan ko ang Kalyeserye.Sobrang nakakakilig talaga sila lalo na nung mga panahon na pinaghihigpitan sila ni Lola Nidora (Wally Bayola) andyan yung eksenang may bumagsak na plywood at yung long table na sinisi pa ng buong Aldub Nation.Pero ngayon nagkikita na sila at ang masaya dun gagawa sila ng movie na sila ang bida.Bilang fan super excited ako dun.


                                Kung hindi niyo naitatanong nangongolekta ako ng mga poster at mga iba't-ibang damit.Proud to be an Aldub fan talaga ang peg.Kasi iba talaga ng dating sa akin ng Aldub.Totoo lang talaga sila kung ano ang nakikita ko sa TV ganun rin kapag off-cam.Andun yung katangian nila na sa lahat ng tagumpay na nakakamit nila kahit papaano nagpapasalamat sila sa amin...sa aming mga Aldub Nation.
                               Well,naramdaman ko pa yung pagiging Aldub Fan ko yung nagkaisa ang buong Aldub Nation nung Tamang Panahon Concert.Mapa-team bahay,mapa-team-replay at team office nakatutok sakanilang dalawa..

Alden at Maine salamat sa pagpapakilig niyo sa amin :)

Miyerkules, Abril 20, 2016

Fangirl

                          Fangirl...May mga sinusuportahan tayo mga boy band tulad ng One Direction,EXO,The Vamps etc. mga International Singers tulad nina Ariana Grande,Taylor Swift etc. at mga loveteams tulad ng AlDub,Kathniel,Jadine,Lizquen etc. Bakit nga ba natin sila iniidolo??
                          Sila ang nakakapag-sold-out ng tickets sa concert at ng album.Sila ang active at palaging updated sa lahat ng nangyayari may mga sari-sariling grupo pa sila.Sila rin ang taga-cheer at tagasuporta.At sila rin ang nakikipag-away kapag may namba-bash,at minsan pa nga nagiging asawa na natin sila.Siguro alam na natin yan...sila ang mga FANGIRLS.Bakit nga ba natin iniidolo sila siguro dahil may nakita tayong katangian nila tulad ng gwapo/maganda,mabait,hindi snobber,maganda magsuot etc. Masaya makita na successful ang mga iniidolo natin pero hindi nila makakamit yun kung hindi dahil sa atin..Alam ko ang pakiramdam ng pagiging fangirl.
                            Tuwing may mga show siya inaabangan ko palagi siya sa TV.Tuwing birthday niya binabati ko siya.May mga posters niya ako,Sumasali rin ako sa mga groups at gumagawa ako ng Fanpage,may mga damit na nakatatak ang mukha niya rin ako at stalk ako ng stalk sa lahat ng social media account niya.Sabi nga ng mga kaibigan ko addict na addict ako sakanya.Nakakainis nga hindi ako nakakapunta sa concert niya kaya team bahay ako pero kahit ganun thankful ako kasi palaging sold-out concert niya at napaka-succesful niya.Pero bakit ganun noh kahit hindi ko pa siya name-meet in person parang feeling ko sobrang close ko sakanya.Ganun siguro talaga kapag Fangirl ka..
                           Para sakin kaya ako naging Fangirl kasi nakita ko sakanila ang pagiging brave at nagthank you sila sa atin kahit papaano..Kaya nasabi ko na brave sila kasi kahit may mambash sa kanila pinapabayaan lang nila yun,nilulunok lang nila ang sinasabi ng iba tungkol sa kanila.Kapag umiiyak sila,napapaiyak rin tayo kasi nga ayaw natin sila masaktan.Kaya siguro natuto kaming lumaban tayo mga Fangirls kasi nasasaktan rin tayo kapag may sinasabing masama ang iba sa mga iniidolo natin.Kasi tao rin yan diba nasasaktan,Kaya alam ko na kung ano talaga ang tungkulin nang pagiging isang fangirl.Tungkulin natin ang ipagtanggol at suportahan sila.
                           Sana wag tayo magsawang suportahan ang mga iniidolo natin kasi sa ngayon tayo lang ang magpapalakas ng loob nila!
           
ONCE A FANGIRL,ALWAYS A FANGIRL...
     

Pagiging Estudyante

                     Ang pagiging estudyante ay isang karangalan.Kasi hindi lahat nakakapag-aral dahil na rin sa kakulangan sa pera.Kaya maswerte tayo kasi marunong tayo makapagbasa,makapagsulat at makapagbilang.
                    Alam natin na naiinis tayong gumising ng maaga at ayaw natin maligo sa sobrang malamig na tubig.Pero tandaan lahat ng pagsasakripisyo may dalang katagumpayan.O sa madaling salita lahat ng yan mawawala basta isipin lang natin makakapagtapos rin ako!Diba kapag nakapagtapos tayo may sarili na tayong pera at yung mga magulang natin na hinihingan natin ng baon dati,ngayon masusuklian natin yun, tayo naman ang magbibigay sa kanila ng pera.Ngayong estudyante palang tayo kailangan may mga pangarap rin tayo para may inspirasyon tayo na makapagtapos ng pag-aaral.
                   Sa karanasan ko bilang estudyante,aaminin ko ayaw na ayaw kong gumising ng maaga at maligo sa malamig na tubig!At minsan rin puro facebook,twitter,instagram,youtube etc, ang una kong iniintindi kaysa sa assignment ko.Pero kapag may darating na quiz o periodical test sinusubukan kong wag muna gumamit ng cellphone,computer etc. at pinipilit kong humawak ng libro at notebook at maging seryoso sa lahat ng pinag-aaralan ko.At sa awa ng Diyos na may kasamang pagsisikap nasasali naman ako sa Top 10.Sobrang saya na nasa Top 10 ako pero may konting kaba kasi ayaw kong madissapoint ang mga magulang at mga guro ko kung bumaba ako sa Top 10 kaya parang Challenge ko ito sa loob ng 10 buwan.At salamat naman at naka-akyat ako sa stage kasama ang aking magulang at siya'y nagsasabit ng medalyang karangalan.
                    Sabi nga ng isa sa aking mga teacher ang ating PAARALAN ay isa lamang TRAINING GROUND dahil kapag nakapag-trabaho na tayo dun natin malalaman ang totoong mahirap dahil sa paaralan tinuturuan lang tayo dun magsikap.Tinuturuan tayong humarap sa mga challenges.
                   Sabi nga ni Dr. Jose Rizal parusa ang maging mangmang!Kaya dapat tayo magsikap mag-aral kasi masarap sa pakiramdam na MAKAPAGTAPOS mag-aral,makahanap ng magandang TRABAHO,bumili ng kung ano-ano gamit ang SARILING PERA,makapagtayo ng magandang BAHAY at gawin ang gusto mo dahil MALAYA ka!
                   Kaya pagbutihin natin ang ating pag-aaral at kailangan rin natin ng konting pagtitiis na may kasamang pagsisikap para makamit ang ating mga mithiin/pangarap dahil ito ang susi para sa ating MAGANDANG KINABUKASAN!


Ibig sabihin nun kapag na-unlock na natin ang golden door (nakapagtapos na tayo) kaya na natin gawin kung ano ang gusto natin.At ang gagawin lang natin ay maging masaya at i-enjoy kung ano ang nakakamit natin sa mga panahon na yun :)